Tralalala... ♥

Sunday, September 14, 2008

Prayer.

Holy Mass earlier.

As I was praying, tears wanted to fall.
As I was looking at His face, my heart was melting.

I just can't imagine how good He is to me. He never left me. He was never ashamed of me. Everytime I ask something from Him, He wholeheartedly gives me whatever it is.

Kanina, nagdadasal ulit ako tungkol samin. Nagdadasal ako na sana maging okay kami ulit; na sana huwag niyang hayaang mawala ako. Pero parang habang sinasabi ko yun sa Kanya, unti-unti akong nanlalambot parang gusto ko na lang lahat ipaubaya sa Kanya. Paulit-ulit kong sinasabi sa Kanya na mahal ko 'yung taong pinagdarasal ko. Na sana sa Christmas, maging masaya na ulit kaming magkasama. Kahit nga sa 18th birthday ko, siya na lang sana ang regalo ko. Sa totoo lang, I don't want material things for Christmas and for my birthday. Mabigay lang ulit sakin yung pagmamahal na gusto ko, masaya na ko.

Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay maging okay kami. Parang last year, masaya naman kaming naglolokohan at nagaasaran. Masaya na ko kapag siya yung naunang kumausap sakin. Ngayon kasi, ibang iba. Para talagang isa akong kakilala lang na kakausapin niya kapag ako yung kumausap sa kanya. Wala lang. Feeling ko kasi, ganun eh.

Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Pero kahit anong gawin niyang pananakit, hindi ko kasi magawang magalit sa kanya. Kahit ilang beses pa niya ako siguro ipagtabuyan, hindi ko kayang sumuko. Hindi ko alam kung bakit ganito pero siguro sabi ni God, huwag ako mag-give up. Basta, bahala na si Lord. Ipagpapatuloy ko nalang ipagdasal ang taong yun. Siguro, yun lang ang kaya ko ipakita sa kanya ngayon...

Gustong gusto ko iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Gustong gusto ko bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. Gusto kong makasama ka hanggang sa huli pero kasi parang pinipigilan mo ako. Sana naman magkaroon pa ko ng pagkakataon gawin lahat ng gusto kong gawin para sayo... Sana naman huwag mo kong kalimutan. Sana naman matutunan mo kong mahalin ulit... :( Alam kong kaya natin 'to... Huwag mo lang pabayaan...

--200 days na sana kami sa October 26. :(

"I’m waiting for the sky to fall
I’m waiting for a sign"

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home