Emoshiz.
Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto mo makasama yung isang taong mahal mo pero di pwede?
Alam mo yung pakiramdam na parang sinisingit ka lang niya para masabing di siya nagkukulang?
Alam mo yung pakiramdam na ikaw lang ang may gusto na magkita kayo at hindi siya?
Nakakainis eh. Nakakasakit. Hindi ko maintindihan kung nag-eemote lang ba ako dito dahil may hormonal changes ako or talagang ganun lang ako. Siguro, masyado lang din akong attached na sa taong yun. Hindi ko ginusto ito, hindi ko rin pinilit. Pero ganun eh, talagang mapapamahal lang sayo ng sobra ang isang tao. Pakiramdam ko noon, pareho kami ng nararamdaman, pero hindi yata. Ako lang yata yung palala ng palala. Ako lang yata yung nagbibigay nanaman ng sobra. Sabi ko noon, ayoko na ng ganitong feeling. Pero bakit ganun? mas nagmamahal ako kahit nasasaktan na ako. Ang drama ko, nakakaasar.
Hinihingi ko lang naman oras niya eh. Oo, naaappreciate ko na ang bait niya ngayon matapos lahat ng away. Pero parang very superficial lang. Bakit hindi ko maramdaman na mahal niya ako? Bakit kahit mabait na siya, masakit parin para sakin? Bakit parang kulang? Bakit ayoko makuntento?
Minsan, naiisip ko, maghiwalay na lang. Pero mukhang mahihirapan ako. O dahil naiisip ko, kayang kaya naman niya kasi na wala ako. Bakit parang kahit mawala ako, okay lang sa kanya? Kung ano ano naiisip ko, hindi ko alam kung bakit. Love ko lang naman siya talaga eh. Ewan ko na. Am I asking for too much? maybe, I am. Ewan ko na talaga. Nahihirapan narin ako. Hindi ko na alam saan ba ako lulugar. Talaga bang ganito dahil nababato ako at siya, busy? Minsan, gusto mo lang naman makarinig na, "may problema ba?" Kaso, wala eh. Wala talaga. Gusto ko lang ng attention. Kaso wala rin talaga.
Nakakalungkot. Kung kailan gustong gusto mo na makasama at makita yung taong mahal mo, tska hindi pwede.
Ang hirap. :|